Abante Tonite Interactive

Meghan Markle pumayag magtrabaho sa Disney

0 794

Pumayag sa isang voiceover deal ng Disney si Duchess of Sussex Meghan Markle kapalit ng donasyon para sa isang animal charity.

Magbo-voiceover si Markle para sa Elephants Without Borders, isang charitable organization na binabantayan at pinoprotektahan ang mga hayop laban sa poaching.

Ito, matapos ilahad ni Prince Harry at Meghan ang kanilang planong bumitaw na bilang senior member ng royal family ng Britain.

Nais umano ng dalawa na maging independent na pagdating sa kanilang mga finances, at balansehin ang kanilang oras sa UK at sa North America.

Bago ang royal wedding noong 2018, kilala bilang aktres si Meghan at nakilala sa TV series na “Suits.”