Abante Tonite Interactive

Mekaniko ginulpi ng 3 lasing

206

Kulong ang tatlong lasing matapos tangkaing patayin sa gulpi ang isang mekaniko sa Valenzuela City kamakalawa nang gabi.

Kinilala ang naarestong suspek na sina Jonar Catugas, 32-anyos; Argie Antonio, 34, at David Catugas, 21, pawang taga-Serrano Subdivision, Barangay Marulas, Valenzuela City.

Ayon sa report, bandang alas-sais kamakalawa nang gabi habang kinukumpuni ni Reymark File, 28, ang kotse na pag-aari ng isang Eduardo De Guzman, 69, sa No. 56 Pag-asa St., Barangay Marulas nang bigla na lamang pagtulungang gulpihin ng grupo.

Nagawang makatakbo ng biktima sa loob ng bahay ni De Guzman saka ikinandado ang pintuan ngunit tinugis siya ng mga suspek at tinangkang distrungkahin ang kandado ng pinto.

Nang hindi mapayapa ni De Guzman ang mga suspek ay humingi ito ng tulong sa mga tanod at pulis na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.

Isang patalim ang nakumpiska sa mga suspek na gagamiting ebidensya laban sa kanila sa pagsasampa ng kasong attempted homicide at trespas­sing. (Vick Aquino)