Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mekaniko inararo ng balisong

0 172

Malubhang nasugatan ang isang mekaniko makaraang pagsasaksakin ng kanyang kainuman nang maungkat ang dati nilang alitan habang tumotoma Navotas City kahapon nang madaling-araw.

Habang tinitipa ang balitang ito ay ginagamot sa Tondo Medical Center ang biktimang si Aljon Cabangbang, 39-anyos, residente ng Kalatog Pinggan St., Barangay NBBS sa nasabing siyudad, sanhi ng mga saksak sa likod at tiyan.

Mabilis namang tumakas ang suspek na si Pochi Corpuz, nasa hustong gulang at kapitbahay ng biktima, dala ang balisong na ginamit sa pananaksak.

Sa ulat ng pulisya, bandang alas-dos ng madaling-araw, nag-iinuman sa labas ng bahay ni Cabangbang ang suspek kasama ang isang alyas `Eric’.

SM food to go Banner Ad

Makalipas ang ilang oras, nagtalo ang biktima at si Corpuz hanggang sa maungkat ang kanilang dating alitan.

Kinuha ng suspek ang sukbit na balisong saka pinagsasaksak si Cabangbang

Kinasuhan ng frustrated murder ang suspek. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.