Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mekaniko nilikida sa Antipolo

0 90

Pinaghahanap ngayon ng Antipolo Police ang hindi pa nakikilalang suspek na bumaril sa isang mekaniko habang nag-aayos ng sasakyan kamakalawa ng gabi sa Ampo Compound, Purok Sepina, Barangay Dela Paz.

Batay sa ulat ng pulisya, dead on the spot ang biktima na si Ronil A Tejedor, alyas ‘Dodong’, 33, nang barilin ng suspek, alas-8:45 Miyerkoles ng gabi.

Ayon sa nakasaksi sa krimen, may nagtanong umano sa kanya kung saan makikita ang biktima saka niya tinuro. Kasunod nito, nakarinig na siya ng ng tatlong magkakasunod na putok ng baril. Nakita pa ang suspek na tumatakbo at agad na sumakay sa motorsiklo na nakaparada sa kanto, saka pinuntahan ang biktima na nakabulagta na.

Iniimbestigahan na ang motibo at pagkakakilanlan ng suspek. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.