Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Melanie ‘di bitter kay Miss U PH Celeste

0 55

Hindi pa rin nawawala ang awra ng isang beauty queen at international model kay Ms. Melanie Marquez kahit senior na siya.

Nandoon na pa rin ang charm niya, at touch ng pagiging totoong reyna.

Happy ang aktres na nasungkit ng kanyang anak na si Michelle Dee ang titulong Miss Universe Philippines Tourism 2022.

Aminado siyang nasorpresa siya sa pagsali ni Michelle dahil sinabi raw noon ng anak niya na hindi na siya lalaban ulit sa ibang pageant after manalo sa Miss World Philippines.

“Ako yata ang huling tao na nakaalam,” deklara niya na tumatawa.

Pero maganda rin yung sinubukan daw ulit ni Michelle na lumaban sa ibang pageant dahil bagong experience daw ito.

Naniniwala rin siya na ‘yung lakas ng loob ni Michelle sa pagsabak sa contest ay namana niya kay Melanie.

Pero, hindi raw niya napanood ang laban ng anak dahil hindi siya pinapasok sa Mall of Asia Arena.Hinanapan daw siya ng vaccination card na nakalimutan niya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Alam nyo naman ang lola niyo, hindi na techie, malilimutin pa,” sambit niya

“Nakapasok ako tapos na ang event,” dagdag pa ng Miss International 1979.

Hindi rin nagmaasim si Melanie kung si Celeste Cortesi ang naging Miss Universe Philippines 2022 at hindi ang kanyang anak. Nirerespeto raw niya ang desisyon ng mga hurado kung sino ang winner.

“I think all the winners were deserving. My daughter’s placement was good as well since it will allow her to promote the country in her own capacity. She’s suited to promote the country since she’s well-traveled and she’s been to many places that even I haven’t been to,” lahad pa niya.

Anyway, sinopresa rin niya ang media na dumalo sa presscon niya nu’ng Biyernes dahil sa kanyang anunsyo na fourth nominee siya ng Lingkod Bayanihan ng Pilipinas (#170 LBP) partylist.

Tumututok sila sa peace and order,poverty alleviation, food security, health at environmental protection

Kahit daw ang kapatid niyang si Joey Marquez ay hindi alam na sumabak na siya sa politika.

Kung sakaling palarin si Melanie hindi raw niya iiwan ang showbiz dahil hindi naman daw presidente ang tinakbo niya na kailangang buo talaga ang oras sa politika.

Leave A Reply

Your email address will not be published.