Abante Tonite Interactive

Melanie tutok sa pagrampa ni Michelle

297

Handa nang lumaban si Michelle Dee. Ready na siyang sungkitin ang korona ng Miss World 2019.

“I’ve always believed that if something is meant for you, it will be given to you in God’s perfect time. I’m very pleased that since winning the MWP (Miss World Philippines) coronation, international polls have been ranking me within the top 10, so that’s definitely an added confidence booster. I trust my team and I believe we have a very good chance this year,” deklara niya.

Todo rin ang suporta ng kanyang ina, ang 1979 Miss International na si Melanie Marquez. Bahagi rin siya ng pagti-train sa laban na ito ni Michelle. Hands on daw ito sa preparasyon at sa performance niya sa training. Talagang tinitingnan nito ang paglakad ng anak. Pinayuhan din daw ito na maging totoo sa sarili.

Naiyak din si Michelle sa sorpresa ng kanyang brother at ni Max Collins sa ginawang send-off party niya.

Sa pagtutulungan ng Miss World Philippines Organization at GMA Artist Center, dumalo rin ang mga beauty queen na sina Isabelle de Leon (Miss Multinational PHL 2019), Mary Daena Resurreccion (Miss Eco Teen International PHL 2019), Glyssa Perez (Miss PHL Tourism 2019), Katrina Llegado (Reina Hispanoamericana Filipinas 2019) at Kelley Day (Miss Eco International PHL 2019 ) para batiin siya at bigyan ng inspirasyon.

Samantala, focus si Michelle sa kanyang autism advocacy.

“Currently, my focus is on autism awareness and the work I’ve been doing with Autism Society Philippines. We’ve been working together closely in making the Philippines an ‘autism-ok’ nation through various activities that highlight inclusivity, activities that give individuals on the spectrum a sense of purpose, and are also in communication with major brands and establishments that we will be working together with for a very special campaign,” sey pa niya.

Sa November 19 ang flight ni Michelle papuntang London para makipagpukpukan sa Miss World 2019 pageant.

Ang 69th Miss World 2019 ay ipapalabas via satellite sa GMA-7 sa December 14 at 10 PM. (Roldan Castro)