Abante Tonite Interactive

Melano, Batangas patok vs Zamboanga

256

Malamang na ­ma­ging piloto uli si Jason Melano kapag nakabangasan ng ­Batangas City ­Athletics ang ­Zamboanga ­Family’s Brand ­Sardines sa Group B North ­Division ng 3rd Maharlika Pilipinas Basket­ball League Lakan Cup 2019 nga­yong Lunes sa San Andres Sports Center sa Malate, Manila.­

Nagtrabaho si Melano ng 20 points at 13 rebounds nang makaungos sa Bacoor Strikers sa Batangas City Coliseum nitong Martes, Agosto 20 para sa back-to-back win ng Batangueños sa 31-team men’s hoopfest.

Alas-4 ng hapon ang paghahamok ng nasa Group B running-­seventh Batangas (5-3) at nasa ikawalong ­Zamboanga (6-5), na nais makabawi sa 92-79 loss sa Bataan, ­tatlong araw pa lang ang ­nakararaan sa Bataan­ People’s Center sa ­Balanga City.

Rambol din ang Valenzuela SPV TOP ­Marketplace (4-8)-Binan City Laguna Heroes (­­4-8) sa alas-6:30 ng gabi, at Manila (9-1)-Iloilo (6-4) sa alas-8:30 ng gabi. (Aivan­ Denzel Episcope)