Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Melecio saludo kay Ayo

0 74

KAHIT naliligo na ng batikos si UST Growling Tigers head coach Aldin Ayo, taas noo pa rin ang paabot ng dati nitong bata na si Aljun Jay Melecio.

Matapos kasi ang pormal na pagbibitiw ni Ayo sa UST dulot ng ‘Sorsogon Bubble’ ay agad na nagbigay ng indirect tweet si UAAP season 79 ROTY.

“Buong buo pa din respeto ko sayo,” tweet ni DLSU Green Archer guard na obvious na ang pinatutungkulan ay si Ayo.

Magkaiba man ng koponan ay malaki ang respeto ni Aljun kay 42-anyos tactician Ayo dahil naging coach niya ito ng dalawang taon sa Taft-based squad. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.