Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Melissa binigyan ng P100K ang Kapuso actress

0 272

NI: ROLDAN CASTRO

Umaariba ang transgender YouTube content creator na si Melissa Enriquez .Kilala rin siya sa tunay niyang pangalan na Rommel Enriquez .

Keri na siyang parangalan bilang Outstanding Rising Social Media Influencer dahil gumagawa siya ng sarili niyang pangalan sa larangang ito. Nakawala na siya sa anino ng kanyang kapatid na si RR Enriquez na isang tv host-actress.

Meron na siya ngayong almost 600K subscribers sa Melissa Enriquez YouTube channel.

Kamakailan pinag-usapan ang collab nila ng Kapuso actress na si Althea Ablan ng “Prima Donnas “.

“Nag-upload siya sa unang pagkikita namin sa Althea Ablan YT channel. Dinala ko s’ya sa luxury store.Sinabi n’ya sa vlog na first time n’ya na makapasok sa luxury store. Binilhan ko s’ya ng shoes, “ kuwento ni Melissa.

Actually, nagkakilala sila ni Althea dahil nag-follow ang young actress sa Instagram nito. Nagco-comment siya kasama sina Elijah Alejo at Sofia Pablo.

Isa rin siya sa nanonood ng vlog ni Melissa at mamshie ang tawag niya dito.

“’Yung sa in-upload ni Althea na vlog sinabi n’ya na napapanood n’ya lang daw ako dati tapos ngayon kasama na ako. and happy daw sya. Nahiya naman ako kasi siyempre artista sya,” sambit pa niya.

Nagkaroon din ng challenge sa vlog ni Melissa na

“Last to drink water wins 100 Thousand.”

“Natalo si Althea pero binigay ko pa rin ‘yung 100k nja prize,”sey ni Enriquez.

Malaking parte ang cast ng Prima Donnas sa pagiging vlogger ni Melissa.

“Si Elijah Alejo ‘yung una ko nakita sa message request ko then si Sofia Pablo. Super bait din ang mommy n’ya kasi fan daw siya nina Ate RR at Kuya Jayjay (Helterbrand) .Naka- follow na sa akin si Sofia nu’ng wala pa sya sa Prima Donnas.

“Super humble nilang tatlo. Di ba parang sila ang mga next leading ladies ng GMA?,” sey pa ni Melissa,

Leave A Reply

Your email address will not be published.