Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Melissa first trans na patok sa YouTube

0 68

NI: ROLDAN CASTRO

Gumagawa ng sariling pangalan si Melissa Enriquez (Rommel Enriquez sa tunay na buhay). Kapatid niya ang actress-tv host na si RR Enriquez. Bukod sa kinikita niya sa YouTube, part owner siya ng Rejuva Nail Spa na and Skincare na may tatlong branches na, Cryolipo Coffee at franchise ng JT’s Manukan Grille sa Pampanga. Hobby lang niya ang humarap sa kamera.

Siya ay unang trans na patok bilang YouTuber. 7 months pa lang siya pero almost .5M ang subscribers. 300K ang followers sa Instagram at Facebook.

Unang exposure ni Melissa ay sa YT channel ni Zeinab Harake nu’ng quarantine para sa 5M subscribers celebration nito. Isa sa inspirasyon niya si Zeinab na malapit nang makuha ang diamond button para sa 10M.

Nagmarka si Melissa sa kanyang opening speil sa vlog. Mahal siya ng tao dahil sa kakulitan, kabaliwan at hindi maarte. Magaan siyang panoorin at gusto ng mga fan ang cute niyang tawa.

SM food to go Banner Ad

Willing ding pasukin ni Melissa ang showbiz ‘pag may offer na magandang role. Artistahin naman ang beauty niya .Actually, may mga nagdi-direct message pa sa kanya na mga artistang lalaki na humahanga sa kanya.

Marami ang nagsasabi na hawig siya kina Jennylyn Mercado at Sanya Lopez.

Abangan pa ang kanyang mga pasabog na mapapanood sa kanyang Melissa Enriquez Youtube Channel ngayong 2021.

Leave A Reply

Your email address will not be published.