Abante Tonite Interactive

Melissa Miss Earth Fire

292

Kaaya-aya si Melissa Flores ng Mexico. Siya ang nanalong Miss Earth Fire,  20 years old.
May taas na 182 cm, sukat na 90 cm – 60 cm – 90 cm. Siya ay isang psycho­logy student.
Pangarap ni Melissa na makagawa ng isang bagay na maaaring mag-influence para sa pagbabago ng lipunan

Casey waging Queen of Quezon City

Matagumpay ang koronasyon ng Queen of Quezon City Pageant na ginanap sa UP Theater.
“The grand coronation night was designed to promote respect, equality, pride and empowerment to the LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual and Transgender Community) whom we believe are equal partners in community building,” saad  ni  QC Mayor Herbert Bautista.
“Through this search, the second Queen of Quezon City should be able to exemplify our appreciation of the innate beauty, talent, intelligence and courage of the LGBT community to come out in the open and work as our advocates for its equal treatment,” dagdag pa niya.
Ang nakasungkit ng titulong  Queen of Quezon City ay si Casey Banes Paculan ng Pinyahan, QC. Nag-uwi siya ng P300,000 cash prize, trophy at sash.
Ang nanalong Lady Pride ay si Summer Lariosa ng Dioquino Zobel. Nanalo namang Lady Respect ay si Yanyan Idalia ng  Commonwealth. Si Rami Hannash naman ng Santa Lucia ang nanalong Lady Equality.
Lahat sila ay binigyan ng korona, sash, trophy plus P100,000 cash prize.