Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Melissa pinaiyak si Rocco

0 159

NI: ROLDAN CASTRO

Hindi napigilan ni Kapuso actor Rocco Nacino na maging emosyonal sa inihandang sorpresa ng girlfriend na si Melissa Gohing para sa kanilang 3rd anniversary.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ng Kapuso actor ang 2-minute video na ginawa ng nobya kung saan mapapanood ang kanilang memorable trips at adventures.

Caption niya sa video, “Happy 3rd Mi amor! Last week was a stressful week but Sept. 18 was definitely the highlight of this year for me. A beautiful surprise from my love @gohingmelissa on our 3rd Anniversary! Grabe ka dito love, thank you for always being the best at what you do, and what you do for me. I love you, Happy 3rd Anniversary to us Mi Amor.”

Sa huling bahagi ng video ay mapapanood si Rocco na umiyak sa sweet surprise ni Melissa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.