Abante Tonite Interactive

Melissa tsik na matinik

808

Ang laki ng ipinagbago ni Melissa Gohing kung ang pag-uusapan ay ang kanyang sensuality.

Kung noon vavavoom na ang volleyball babe, ngayon kandidata na ito sa pagiging “Kartada 10”. Taglay niya ang pagiging tsik na matinik.

Hinog na ang kaseksihan ni Melissa na masarap na panghimagas sa umaga, tanghalian at hapunan.

Kitang-kita naman ang ebidensya sa porma ng kanyang katawan, at tayung-tayo na dibdib.

Hindi puwedeng hindi mapansin ang larawan ni Melissa na nakaposte sa kanyang Instagram wall. Malinaw na nakabalandra ang kanyang alindog sa tirik ng araw habang nasa beach.

Loaded na nga sa husay pumalo, mag-serve at sumalok ng bola sa court, umaapaw pa sa lasa ang kanyang kaseksihan.

Maraming magaganda, maraming sexy pero kakaiba ang impact ng kanyang alindog sa mga bikini photo n’ya.

Napakahusay pumili ni Rocco Nacino ng girlfriend. Nakakabilib din ang panlasa nito sa mga babaeng nais niyang mapasakanya.

Buti na lang at hindi maramot si Rocco na i-share ang kagandahan ng kanyang kasintahan. Hindi niya binabawalan na nakabilad sa kanyang Instagram post. (Rey Pumaloy)