Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Makinang pangkape bitbit ni Melli

0 263

Sobrang hilig siguro ni Nicolo Melli sa kape – ‘yung tipong hindi lang paggising nagka-kape kundi maya’t maya, maghapon.

At sa NBA bubble sa Disney World, nagbaon ng sarili niyang espresso machine ang New Orleans Pelicans center/forward.

Ang mga dumayo sa bubble, gaming system o golf clubs ang bitbit. Ang 6-foot-9 Italian na si Melli, 29, coffee machine.

Nasa hotel room na ni Melli ang machine, para anumang oras pag ginusto ay makakapagtimpla.

Pero hindi lang ‘yun ang dahilan. Ayaw aniya ng kape sa US.

“I like the United States of America, but the coffee here kind of sucks,”ani Melli, via Pelicans beat writer Christian Clark.

“Espresso is life. Cheers!” (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.