Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mellitus vs Insipidus

0 75

Kaytamis madinig ang malalambing na salita. Kaytamismatikman ang halik ng minamahal. Kaytamis ng mga pagkaingtinatakam, ngunit makabubuti ba sa atin ang mga matatamis na ito o makakasama ba dahil tayo ay may DIABETES?

Hindi lang matatamis na pagkain ang pwedeng magpataas ngblood sugar natin kung hindi ang nakakain nating carbohydrates. Kabilang dito ang kanin, pansit, patatas, at tinapay. Oras naumabot ito sa ating tyan at madegrade, nagiging asukal ang mgaito. Kung minsan ay nasa lahi na kung kaya’t hinahayaan nalamang at hindi pinapansin ang pagtaas ng asukal. Binabalewalaat ayaw pang magpatingin dahil wala namang nararamdamankahit mataas ang asukal sa dugo. Hindi naman ang pagtaas ngasukal ang problema kung hindi ang mga kumplikasyon na maaaring mangyari dahil dito. Pwedeng tamaan ang mga mata at mabulag; ang mga bato o kidneys at magkaroon ng renal failure;o di kaya ang pagdaloy ng dugo sa mga maliliit na ugat aynaaantala kaya kapag nasugatan ay nahihirapang humilom ngmabuti ang sugat at kung minsan nauuwi pa sa pagputol o amputate ng paa at binti. Sa totoo lang, talaga namangnamamana ang diabetes. Mayroon gene para dito, ang ADIPOQ. Kung ito ay hindi nagbibigay ng benepisyo, makikita na nasalahi talaga ang sakit. Ngunit, hindi ibig sabihin na kung mayroonka nito ay siguradong magkakaroon ka na ng diabetes. Nasapang araw araw na kain, kilos at galaw pa din nakasalalay kungmaipapakita ng katawan natin ito.

Ang tawag sa pagtaas ng asukal sa dugo ay Diabetes Mellitus. Ito ay may kinalaman sa ating lapay o pancreas na syangnagbibigay ng insulin na siyang nagmemetabolize ng asukal nanakakain natin. May tatlong uri ito, type 1, type 2, at gestational. Ang type 1 ay nakikita sa mga mas bata dahil may kinalaman sahindi paggawa ng insulin, kaya ang tawag din sa kanila ay insulin dependent. Kinakailangan silang maineksyonan ng insulin. Ang pangalawa naman ay non-insulin dependent at madalas nangyayari sa mas may edad na. Mayroong insulin naman na nagagawa ang lapay, ngunit masyadong kaunti at hindi kaya sa dami ng kinakain sa maghapon. Ang pangatlo ay may kinalaman sa pagdadalangtao. Tumataas ang lebel ng asukal habang buntis at nawawala sa sandaling manganak. May iba pang mga uri gaya ng dahil naoperahan, sa paggamit ng mgaibang gamot, o dahil sa ibang karamdaman.

Ang insipidus naman ay may normal na lebel ng asukal sa dugongunit ang problema ay nasa kidneys na hindi mabalanse ang tubig natin sa katawan. Sa totoo lang, ito ay bihirang makita at walang kinalaman sa pancreas at sa lebel ng asukal sa dugo.

Kahit ano mang kondisyon, meron o wala, ang mahalaga, ay mabantayan natin ang asukal sa ating katawan sa pamamagitanng regular na pagkuha ng ating dugo upang maeksamin ito at madalas na dalaw sa ating mga doktor.

Hanggang sa susunod na Martes! Keep healthy! Stay safe!

J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, radio (mapapakinggan sa Kalusugan Kakabilib saDWIZ882 tuwing lingo 11am-12nn) at Doc Rylan Facebook Live tuwing sabado 7pm. Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na #docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mga komentaryo at katanungan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.