Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Melo sokpa sa top 10 scoring

0 207

Nabigo ang Portland Trailblazers sa Atlanta Hawks, 114-123, sa 2020-21 National Basketball Association regular season game sa State Farm Arena sa Georgia Martes (Philippine time), pero wagi naman si Carmelo Anthony sa kanyang personal career.

Umiskor ang 36-year-old, veteran forward ng 14 points, tampok ang isang four-point play sa second quarter upang umangat sa ika-10 pwesto sa league all-time scoring list, nilagpasan si Marvin Hayes sa taglay na 27,318 markers.

Ginawang asintahan sa isang isolation play ng 10-time all-star si Hawks forward Danilo Gallinari at kumonekta ng isang three-pointer na sinamahan pa ng foul.

Nasa ikasiyam si Moses Malone, isa ring Hall of Famer gaya ni Hayes, sa 27,409 career points.

Pinatunayan ni Melon a yakang-yaka niyang makipagsabayan sa mga mas batang manlalaro makaraang maging first round, third overall pick ng 2003 NBA draft.

Batchmate niya si LeBron James, na nasa third place ng all-time scoring. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.