Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Melton, Vanguardia nabitin ang reunion

0 42

Nakabitin pa ang face-to-face reunion sa court nina Justin Melton at coach Ariel Vanguardia ng Blackwater, hinto muna ang mga laro ng PBA Governors Cup, bawal din ang scrimmages maliban sa small-group workout.

Nahawakan na dati ni Vanguardia si Melton sa Kuala Lumpur Dragons sa ASEAN Basketball League noong 2012, dumating sa Bossing ang Fil-Am guard via Terrafirma kapalit ni Ed Daquioag bago mag-Pasko. Galing ang 34-year-old playmaker sa Magnolia.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Mabait ‘yan kahit nu’ng nasa Magnolia,” ani Vanguardia sa dating kamador. Hindi nawala sa radar ng coach si Melton nang malipat sa Dyip, nang magkaroon ng pagkakataon ay kinuha na niya.

Isa pang nasa poder ni Vanguardia sa Blackwater si Rashawn McCarthy na naging player niya rin sa Kuala Lumpur noong 2013.

Maliban kina Melton at McCarthy, magsasama muli sina Vanguardia at veteran guard JVee Casio na naging player naman ng coach sa Toyota Otis sa PBL noong 2000s. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.