Abante Tonite Interactive

Memo sa listahan ng mga Muslim student pinabawi ng NCRPO

313

Pinabawi umano ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director PMGen. Debold ­Sinas kay Manila Police District (MPD) Director PBGen. Berbabe Balba ang inisyu nitong memorandum kaugnay sa paghingi ng update list ng mga estudyanteng Muslim sa mga high school, college at uniber­sidad sa Maynila.

Ayon kay Sinas, ­hindi isang profiling kundi ­statistics lamang ng mga estudyante ang gustong makuha ng Directorate for Police Community ­Relations (DPCR) Salaam Centers.

Gagawa umano sila ng representasyon sa DPCR para irekonsidera ang kanilang direktiba.

Iginiit ni Sinas na wala umano silang intensiyon na makapanakit at ma­ging dahilan ng pagka­balisa ng mga Filipinong Muslim.

Sa halip, sinabi ni ­Sinas na magpapalabas siya ng direktiba sa MPD Salaam Police na magsagawa ng pakikipagpulong sa mga Muslim student leader sa Manila para sa mga isasagawang aktibidad at proyekto sa mga Muslim communities. (Juliet de Loza-Cudia)