Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Meneses matatag sa pandemya

0 279

Nananatiling matatag ngayong may Covid-19 si Philippine SuperLiga (PSL) ace player Marivic Velaine ‘Ria’ Meneses na kasalukuyang nasa Bulacan kasama ang kanyang pamilya.

Ibinahagi ng Generika-Ayala Lifesavers middle blocker sa Abante Sportalakan Biyernes ang ilan sa kanyang pinagkakaabalahan habang wala pang laro ang liga.

“Nung unang ilang weeks, ako talaga nagpahinga as in no workout talaga kasi parang hinayaan ko muna yung sarili ko na magrekober sa naging game namin last time,” aniya. “So nung medyo gumaling-galing na yung mga makikirot, yung mga tuhod, nagstart na ulit kaming mag-workout kasi may program parin kaming sinusunod na nanggagaling sa coach naming.”

Bukod pa rito, tumutulong din ang balibolista sa kanyang pamilya at minsan ay nagsisilbing driver. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.