Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Menor, 3 pa bistado sa pot session

0 171

Dinakip ang apat na lalaki, kasama ang isang menor de edad, matapos maaktuhang nagpa-pot session sa isang hotel sa bayan ng Baggao, Cagayan noong Miyerkoles.

Ayon kay Baggao Police Station (BPS) commander P/Capt. Gil Pagulayan, hindi muna kinilala ang mga suspek pati na ang 16-anyos na lalaki dahil sa ginagawang follow-up investigation.

Bago ang pagsalakay, nakatanggap umano ang pulisya ng intelligence report na ang apat na suspek ay nagkakaroon ng pot session sa isang kuwarto sa hotel sa nasabing bayan.

Dito, agad inutusan ng opisyal ang kanyang anti-illegal drug unit upang magsagawa ng operasyon sa nasabing hotel.

SM food to go Banner Ad

Huli umano sa aktong sumisinghot ng shabu ang mga suspek at nagkalat pa umano ang mga drug paraphernalia na ginagamit nila sa pot session.

Samantala, sinabi ng pulisyang itinanggi ng menor de edad na siya ay gumagamit ng ilegal na droga subalit lumabas sa resulta ng kanyang drug test at maging ng kanyang mga kasama na positibo sila sa paggamit ng shabu.

Dinala sa BPS ang mga suspek habang ang menor de edad ay pinasakamay sa Baggao social welfare department. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.