Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Menor de edad kinadyot ng bangag

0 297

Inoobserbahan ngayon sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center, ang isang binatilyo na kinadyot ng saksak ng isang lalaking hinihinalang `high’ sa iligal na droga kahapon ng madaling araw sa Baseco Compound, Port Area, Maynila.

Kinilala ng Manila Police District-Police Station 5 ang biktimang inundayan ng saksak sa tiyan na si Jerex, vendor, taga-Baseco Compound.

Nakatakas naman ang suspek na si Jayson Naves alyas Datu.

Naganap umano ang insidente, ala-1:30 ng madaling-araw sa Blk. 8, Brgy. 649 Ext., Baseco.

Ayon kay Jocelyn Balbarona, nakaupo sa labas ng bahay si Jerex nang sumulpot si Naves na armado ng patalim at walang sabi-sabi itong undayan ng saksak.

Agad na isinugod ng kanyang ama sa pagamutan ang binatilyo habang mabilis na nawala sa dilim ang suspek. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.