Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Menor de edad na maid, estudyante laglag sa P1M shabu

0 323

Nakakumpiska ang mga autoridad ng tinatayang P1M halaga ng hinihinalang shabu sa isang buy- bust operation sa Marikina City Lunes ng gabi.

Ayon kay Police Capt. Fernildo De Castro, ng Marikina PNP, naaresto rin sa naturang operasyon ang dalawang menor na babae . Ang mga ito ay napag-alamang isang studyante at kasambahay na kapwa nakatira sa Barangay Malanday.

Sa report, nangyari ang transaksyon ganap na alas-8:00 otso ng gabi sa Barangay Concepcion Uno matapos makatanggap na beripikadong ulat sa illegal na bentahan ng droga sa naturang lugar.

Kasalukuyan nang inihahanda ang kaso sa dalawang naaresto. (Riz Dominguez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.