Abante Tonite Interactive

Menor de edad nagpakasal

931

Dear Atty. Claire,

Attorney gusto ko po maliwanagan, ‘pag po ba nagpakasal at fake ang ginamit na birth certificate dahil menor de edad ang babae at gusto lamang maikasal may validity ba ang naganap na kasalan?

Iyon lamang po at umaasa akong matutugunan ninyo ang aking katanungan.

Maraming salamat po.
Maverick

Mr. Maverick,

Kahit anong gawing paraan para lumabas na nasa tamang edad ang ikakasal ngunit hindi naman pala sila 18 years old and above ay mananatiling walang bisa ang kasal dahil ang edad ng ikakasal ay isang essential requirement na kapag hindi na-comply ay walang kasal na kikilalanin.

Ayon sa Article 2 ng Family Code of the Philippines:

Art. 2. No marriage shall be valid, unless these essential requisites are present:

(1) Legal capacity of the contracting parties who must be a male and a female; and

(2) Consent freely given in the presence of the solemnizing officer.

xxx

Art. 5. Any male or female of the age of eighteen years or upwards not under any of the impediments mentioned in Articles 37 and 38, may contract marriage.

Ang edad ng bawat ikakasal ay dapat na 18 years old and above. Kaya’t kung gagawa kayo ng fake na dokumento upang palabasin na nasa edad na ang ikakasal ay hindi pa rin magiging valid ang inyong kasal.

Mapapatunayan ang tunay na edad ng isang tao sa pamamagitan ng kanyang birth certificate na makukuha lamang sa Philippine Statistics Authority (PSA). Ngunit bago maging malaya sa kasal na walang bisa ay dapat pa rin na ipawalang bisa ito sa korte na siyang magbibigay ng hatol tungkol dito.

Hindi pa rin maaaring makipagrelasyon ang ikinasal kahit walang bisa ang kasal hangga’t walang court order tungkol dito — ‘pag nakagayun ay maaaring maging liable ang isa sa kasong concubinage o adultery.

***

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 8922-0245 o 8514-2143 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.