Abante Tonite Interactive

Mensahe ng panaginip, alamin!

466
Mga ka-Misteryo, baka kayo ay laging may panaginip pagpasok pa lang ng Bagong Taon.
Mainam na simulan natin ang taon na bigyan natin ng pansin ang ating panaginip.
Mahalagang malaman natin kung ano ang nais ipahiwatig o kahulugan ng ating panaginip dahil karaniwan itong nagbibigay ng mensahe para magsilbi nating gabay sa ating buhay.
Batay sa aking karanasan, dalawang klase ang panaginip – symbolic dream at literal dream.
Karaniwan nating nararanasan ang symbolic dream dahil ito ay may koneksiyon sa ating kinakaharap na sitwasyon sa buhay. Kapag tama ang interpretasyon ay nagsisilbi itong solus­yon sa ating problema.
Pambihira nating maranasan ang literal o prophetic dream dahil dito natin nakikita ang maa­aring mangyari o maganap sa ating buhay sa hinaharap. Kung ano ang nakita at naranasan natin sa panaginip ay ‘yun ang mangyayari. Bibihira din ang mga taong may ta­lento na laging nakakakita o nakakaranas ng prophetic dream.
Sa symbolic dream, kailangan natin dito ang tulong ng mga ekspertong dream interpreter bagaman nakakatulong din ang mga pang­kalahatang kahulugan ng mga simbolo sa ating panaginip.
Gayunman, lagi din nating isaisip na ang bawat panaginip ay may kanya-kanyang kahulugan alinsunod sa emosyon, kaisipan at kalagayan sa buhay ng isang tao.
Mahalagang dapat nating tandaan, isulat natin ang ating pana­ginip sa isang dream journal. Gawin ito pagkagising para hindi agad malimutan ang mga detalye ng ating nakita sa pa­naginip.
Magsisilbing gabay ang mga naisulat natin sa dream journal lalo na kapag ito ay prophetic dream para makagawa tayo ng paraan na maiwasan ang hindi magandang kapalaran.
Ang panaginip ay nagsisilbi ring koneksiyon natin sa ating ­spirit guides para makatulong sila sa mas mabuti at magandang kapalaran natin sa buhay.
Kung may panaginip kayo, maaari niyo kong padalhan ng detalye at sisikapin kong tignan ang kahulugan. Salamat po.
Mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang aking website: reytsibayan.com.