Abante Tonite Interactive

Mensahe ni Mocha sa federalism campaign hindi tama! — Roque

By
857

Kinontra ni Presidential Spokesman Harry Roque ang obserbasyon na mas nakatawag-pansin sa viral video ng ‘pepe dede ralismo’ ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson kumpara sa ginagawa ngayon ng inter-agency na nagsusulong ng information campaign.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na aminado silang nagising ang curio­sity ng publiko sa fede­ralismo subalit hindi tama ang mensaheng dala ng viral video ni Uson.

Ang kailangan ani Roque ay ang intelehenteng pagkaintindi ng publiko kung ano ang bentahe ng federalismo sa buhay ng mga pilipino.

Abante Hiring – IT dep

“Well ang sa akin naman po, hindi naman tama ata yung mensaheng dala ni Asec Mocha Uson. Totoo po na…ngayon at least marami na ang nagsasalita tungkol sa federalismo. Pero ang nais natin yung intelehenteng pagkakaintindi kung bakit gusto natin ang charter change patungong fede­ralismo,” ani Roque.

Matatandaang umani ng negatibong reaksiyon sa mga netizen at maging sa mga mambabatas ang ‘pepe dede ralismo’ video ni Uson at ikinagalit ito ng mga miyembro ng Consultative Commission na nagbalangkas sa charter change.

Sinabi ni Roque na nagpupulong na ang inter-agency para sa information campaign sa federalismo at binuksan nila ang Palasyo para tumanggap ng feedback patungkol sa federalismo.