Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mental health care dapat tutukan – solon

0 87

Nanawagan si House Committee on People’s Participation chairperson at San Jose del Monte City Rep. Florida Robes sa pambansang gobyerno na bigyang-prayoridad ang mga programa kaugnay ng pangangalaga sa mental health.

Ayon kay Robes, isa sa mga guest speaker sa Philippine Press Institute online forum, nasa 5% lamang ng pondo ng Department of Health (DOH) ang nakalaan sa mental health program.

“This is an issue that is close to my heart because I know many people who are experiencing depression, anxiety, and helplessness at this very difficult time. I, myself, have experienced those feelings when COVID-19 came close to our home.”

Sinabi ng mambabatas na hindi maitatanggi na tumaas ang bilang ng mga indibidwal na nakararanas ng depresyon at kaso ng pagpapakamatay dahil sa pandemya. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.