Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mental health ng Ateneo gunman bubusisiin

0 73

Binigyan ng basbas ng Quezon City Regional Trial Court Branch 98 ang hiling na masuri ang kondisyon ng pag-iisip ni Dr. Chao Tiao Yumol, ang suspek sa pagpatay kay dating Lamitan, Basilan mayor Rose Furigay at dalawang iba pa sa Ateneo de Manila University kamakailan.

Ayon kay Quirino Esguerra, abogado ng pamilya Furigay, ang abogado umano ni Yumol ang humiling nito.

“The arraignment was deferred to Sept. 16. The lawyer of the accused asked the court that he be checked by a medical expert for exhibiting symptoms of having an unsound mind,” pahayag ni Atty. Quirino Esguerra nitong Huwebes.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dagdag niya, ang korte ang siyang pipili ng doktor mula sa National Center for Mental Health para siyang sumuri kay Yumol.

Nahaharap si Yumol sa mga kasong murder at frustrated murder. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.