Abante Tonite Interactive

Mental health tutukan din- Rep. Robes

590

Hindi lang ang kalusugang pisikal ang dapat na bantayan sa panahon ngayon para labanan ang COVID-19 kundi higit na seryoso ring tutukan ang kalusugan ng kaisipan o mental health.

Apela ito San Jose Del Monte, Bulacan Rep.Florida P. Robes kasabay ng pagsasabing marami ngayon ang balisa at nakakaranas ng depresiyon dahil sa ‘social distancing at enhanced community quarantine’ kaya dapat ring mabibigyan ito ng pansin.

“There is a lot of anxiety, fear and confusion at this time over our loved ones, our jobs, and all of us are affected and these conditions are more pronounced for those experiencing mental health problems even before the virus hit our country,” ayon kay Robes.

Kaya mahalaga umano sa ngayon ang bukas na komunikasyon sa mga meyimbro ng pamilya at interactive activities. (Eralyn Prado)

Tonite – Wendys Inhouse Ad