Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mental hospital chief, tukoy na

0 414

Tukoy na ng Quezon City Police District (QCPD) ang suspek na bumaril at nakapatay kay National Center for Mental Health (NCMH) chief, Dr. Roland Cortez at sa driver niyang si Ernesto dela Cruz nitong July 27.

Sa press conference, sinabi ni QCPD PDirector Brig. Gen. Ronnie Montejo na may ‘lead’ na sila sa driver ng motorsiklo at nakuha na rin nila ang litrato nito. Gayunman, tumanggi siya na banggitin ang pangalan dahil on- going pa umano ang ‘manhunt operation’ laban dito.

Magugunitang, pasado alas-7:00 ng umaga noong July 27, nang maganap ang pananambang kay Cortez at driver nito sa kanto ng Cassanova Drive at Tandang Sora Avenue Brgy Culiat, QC.

Habang binabagtas umano ang nasabing lugar ng mga biktima na sakay ng pulang Toyota Vios na government vehicle (DAZ 3464) ay sumulpot ang suspek sakay ng motorsiklo at walang habas na pinagbabaril ang dalawa.

Nabatid na noong July 15, 2019 ay naghain ng reklamo si Dr. Cortez sa Office of the Ombudsman laban sa NCMH chief administrative officer na si Clarita Avila dahil sa iregularidad sa pag-award ng proyektong ektensyon ng NCMH’s Pavilion 6 sa Octant Builders.

Nitong Lunes ay inatasan na rin ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang magkasunod na pamamaslang kina Cortez at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Board Secretary Wesley Barayuga. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.