Abante Tonite Interactive

Mental illness: Sakit o sanib?

By
173

Kapag sinabing may sakit sa pag-iisip ang isang tao, ang ­naiisip agad natin ay isa siyang baliw. Isang kondisyon kung saan nag­lalaman ng maraming bagay ang kanyang utak na nakakaapekto sa kanyang mood, pag-uugali at pagtingin sa mga bagay-bagay. Tinatawag natin itong mental illness.

May iba’t ibang uri ang mental illness. Ilan sa mga ito ay schizophrenia, depression, anxiety disorders, eating disorders, at addictive ­behaviors.

Ayon sa pag-aaral ng mga doktor, ang sakit sa pag-iisip ay may iba’t ibang dahilan, sintomas at meron ding iba’t ibang paraan kung paano gamutin. Ang kalagayang ito ng isang tao ay patuloy na tinutuklas at pinag-aaralan.

Abante Hiring – IT dep

Sa ibang paniniwala, kapag ang isang tao ay maraming nariri­nig o nakikita na hindi pangkaraniwan, ipinapalagay na siya ay may sanib. O may sakit na gawa ng diyablo. Gaano nga ba ito katotoo? Kung babasahin natin ang mga artikulo kung saan ang mga tao ay nagtataglay ng sakit sa pag-iisip, ang kanilang kalaga­yan ay humahantong sa pag­gawa nila ng krimen. Tila demonyo lang ang maka­gagawa nito.

Ilan sa popular na may mental illness ay sina Jim Gordon (sikat na drummer) na pinatay ang kanyang sariling ina, at si Vincent Van Gogh (kilalang pintor) na hiniwa ang sarili niyang tainga. Sinasabing ang iba ay gumagaling dahil sa tine-take nilang gamot, habang ang iba ay lalo namang lumalala na kadalasan ay humahantong pa sa kamatayan.

Sa pagitan ng kababalaghan at katotohanan, pareho itong binibigyang-eksplenasyon ng magkabilang panig. Ang tao raw na may mahinang kalooban at pananalig sa Diyos ang siyang nakararanas ng pagsanib ng mga kampon ng diyablo. Habang sa larangan ng siyensya o agham ay ipinaliliwanag naman kung paano nakukuha ng isang tao ang kakaibang kalaga­yang ito ng pag-iisip.