Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Menzi, Kaya sinilat Shanghai

0 69

Sinagip ng header ni Audie Menzi ang Kaya Football Club upang sorpresahin ang Shanghai Port soccer team, 1-0 at makasaysayang umusad sa Asian Football Confederation Champions League sa Pathum Thani Stadium sa Bangkok Miyerkoles ng gabi.

Akyat ang Iloilo-based team sa Group F at makakatuos sa Sabado ang BG Pathum United Thailand sa torneong kasali rin ang reigning domestic league champion United City.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pasiklab din sa depensa ng team si KFC goalkeeper Louie Casas laban sa mga atake ng Chinese na pinangunahan ni Gao Haisheng. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.