Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Meralco 50K na reklamo sa `shock bill’ – ERC

0 328

Umabot na sa 50,0000 kostumer ang naghain ng reklamo laban sa `shock bill’ ng Meralco sa panahong pinaiiral ang lockdown, ayon sa Energy Regulatory Commission (ERC).

Isiniwalat ito ng ERC sa pagdinig ng House committee on good government hinggil sa mga reklamo sa biglang pagtaas ng electricity bill sa panahong nasa enhanced community quarantine ang Metro Manila.

Ayon sa ERC, inatasan na nila ang Meralco at iba pang distribution utility para isumite lahat ng dokumento para sa kanilang mga sinisingil upang masusing ma-evaluate ng komisyon.

Sa ngayon, nakapagsumite na umano ang Meralco ng ilang mga kailangan dokumento at ito’y kanilang isinailalim sa evaluation.

Tiniyak ng ERC na tatapusin nila ang evaluation sa lalo madaliang panahon.(Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.