Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Meralco bill ‘tongpats’ pinakalkal sa ERC

0 217

Hiniling ng Power for People Coalition (P4P) sa Energy Regulatory Commission (ERC) na bantayan ang problema sa presyo at suplay ng kuryente ng Meralco, gayundin ang pagtuloy sa imbestigasyon sa nirereklamo ng mga consumer.

“Nananawagan kami sa ERC, Kongreso, mga kompanya ng enerhiya, at sa lahat ng nanunungkulan sa usapin ng kuryente na pag-ingatan ang kapakanan ng ordinaryong mga konsyumer. Resolbahin ang mga anomalya sa kuryente, at huwag pahintulutan ang malawakang putulan at sapilitang pagbabayad sa maanomalyang mga singilin,” ayon sa P4P.

Ayon sa grupo, kahit pa inanunsyo ng Meralco na hindi muna ito magpuputol sa mga kostumer na may utang hanggang sa Abril 30, wala pa ring utang na loob na dapat tanawin ang mga consumer dahil hindi pa rin ito umaamin sa kaduda-duda nitong mga siningil noong nakaraang taon, partikular na ang bill shock.

SM food to go Banner Ad

Babala ni P4P convenor Gerry Arances, maaaring maranasan muli ang nangyari noong 2020 nang marami ang nagulantang sa billing ng Meralco. Kamakailan, inanuniyo ng kompanya na tataasan nito ang singilin sa kuryente dahil nagmahal ang presyo nang mag-shutdown ang mga planta.

“Meralco is not solving anything until it stops purchasing power from unreliable coal facilities only to pass on resulting add-on costs to consumers, hoarding pending refunds, and forcing consumers to pay questionable bills without clarity on how they came to be,” sabi ni Arances.

Anila, dapat tangkilikin ang mas malinis at mas murang mga mapagkukuhanan ng kuryente at isulong ang mga pagbabago sa sektor para umayos ang serbisyo nito sa mga tao. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.