Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Meralco binoldyak sa binulsang P66B

0 457

Takang taka ang consumer group na Matuwid na Singil sa Kuryente Consumer Alliance Inc. (MSK) kung paano nagawa ng Manila Electric Company ni Manny V. Pangilinan na kumubra ng bayad para sa 46.85 bilyong kilowatt hour na kuryente noong 2019 samantalang 33.56 bilyong kWh na kuryente lamang ang binili nito.

Binusisi ni MSK convenor David Celestra Tan kamakailan ang 2019 Annual Report ng Meralco kung saan inilahad ng kompanya na P174.86 bilyon ang ginastos nito para sa 33.56 bilyong kWh na kuryenteng binili nito nung 2019 at nasa P241 bilyon naman ang binenta nitong kuryente na ang katumbas ay 46.78 kWh.

Tanong ni Tan sa Meralco, paano naging mas malaki ng P66 bilyon ang nabentang kuryente ng Meralco kaysa sa binili nito.

Kakaibang pagbubusisi ang ginagawa ngayon sa Meralco dahil sa bill shock na dinanas ng maraming consumers nung panahon ng lockdown kung saan triple ang siningil nito sa ilan.

Paliwanag ni Tan, hindi dapat kumikita ang Meralco mula sa generation charges o mula sa kuryenteng binibili nito dahil dito lamang dumadaan ang bayad sa kuryente para sa power generation companies.

Dagdag pa ni Tan, masakit man ang kanyang mga katanungan, hindi naman niya misyon sa buhay na dumihan ang pangalan ng Meralco.

“Our studies and monitoring are based on the official reports of the ERC (Energy Regulatory Commission), Meralco, and the DOE (Department of Energy). If we see things that are disadvantageous and unfair to the consumers, it is our duty to inform the public, ask questions, or to undertake the needed petitions to protect the public.”

Sa isang pahayag, sinabi naman ni Meralco VP Valles na sasagutin nito ang mga isyu ng MSK sa tamang lugar ayon sa patakaran ng ERC. Dagdag pa niya, patuloy na transparent ang Meralco sa publiko at sa mga regulators at magbibigay ito ng datos at impormasyon kung utusan ito ng ERC sa tamang lugar.

“The points raised in the open letter by MSK should be discussed in an appropriate forum in accordance with the existing rules of the Energy Regulatory Commission. Meralco continues to be fully transparent to both the public and the regulators and will provide all data, details and information as may be directed by ERC in a proper proceeding,” sabi ng Valles. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.