Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Meralco customer bill deposit lumobo sa P2B

0 199

Pumalo pa sa P2 bilyon ang nadagdag sa bill deposit ng mga customers na hawak ng Manila Electric Company ni Manny V. Pangilinan nung katapusan ng Hunyo.

Ang bill deposit ay ang garantiya ng Meralco na babayaran ito ng customer at nare-refund ito kung ang customer ay regular na nagbabayad sa tamang petsa sa loob ng tatlong taon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon sa Meralco, nakapag-refund ito ng P1.48 bilyong bill deposit nung first half ng taon ngunit kumubra naman ito ng karagdagang P2.08 bilyon na bill deposit nung panahon ding yun.

Sabi ng Meralco, umaabot na sa P31.4 bilyon ang bill deposit na hawak nito nung katapusan ng Hunyo samantalang nasa P30.8 bilyon ito nung December 31, 2020.

Tutol ang maraming grupo sa pagkubra ng Meralco ng bill deposit at marami na ang nagpetisyon laban dito nung May 2019. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.