Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Meralco dagdag sentro vs Fajardo

0 59

Hindi kataka-takang mabigyan ng one-year contract extension si Raymon ‘Jammer’ Jamito dahil sa pasiklab sa 45th Philippine Basketball Association 2020 Philippine Cup bubble sa Angeles City.

Puwede rin si Siverino ‘Nonoy’ Baclao Jr., maaring dahil sa iisa ang kanilang agent-manager ni Jamito, ang batikan at mahusay na si Danny Espiritu.

Buhat sa bench, nag-average ang 30-year-old, 6-foot-5 Basud, Batangas native na si Jamito ng 5.0 points at 3.8 rebounds per gamekaya bumenta ang YouTube channel niyang Jammer Jmito Explore sa pagtulong sa Bolts sa semifinals.

Makakabalik na rin sana sa all-Pinoy bubble ang 6-5, 33-anyos na center/forward na si Baclao mula nang operahan sa injury (ruptured patellar tendon), pero naipit sa rule. Hindi naisama ang pangalan niya sa September deadline, tatlong linggo bago pumasok ang pro league sa bubble.

Kaya tengga man ng isang taon, mautak na naikuha siya ni Espiritu ng isang taon pa para maglaro sa Bolts.

Makakatulong ang dalawa sa malalaking paikot ni Bolts Norman Black kina Raymond Almazan, Flifford Hodge at Reynel Hugnatan sa atat na makakuha na ng unang titulo sa ika-11 taon sa papasok na 46th PBA 2021 PH Cup simula sa April 9.

At paghahanda rin ng team sa pagbabalik ni 6-10 slotman, six-time MVP June Mar Fajardo sa San Miguel Beer mula sa one-season rest buhat din sa injury.(Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.