Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Meralco hinimok palawigin installment sa bill

0 58

Umapel si Senadora Risa Hontiveros sa Manila Electric Company (MERALCO) na palawigin ang installment-based payment scheme para sa kanilang kostumer nang hindi maputulan ng kuryente sa gitna ng pandemya.

“Mas mahihirapan umahon ang bansa mula sa pandemya at sa bagsak na ekonomiya kung mas maraming Pilipino ang mapuputulan ng kuryente sa kanilang mga kabahayan dahil sa mga polisiya ng Meralco,” aniya.

Ginawa ni Hontiveros ang panawagan kasunod nang anunsyo ng Meralco na sinimulan na nila ang pagpapadala ng notice of disconnection sa mga consumer na hindi pa nakakabayad sa mga nagdaang mga buwan.

SM food to go Banner Ad

Inihayag din ng Meralco na magtataas sila sa singil sa kuryente ng P8.7497 kada kilowatt-hour. Nangangahulugan na ang mga kumukonsumo ng 200 kWh kada buwan ay may dagdag na P55 sa kanilang bill.

“Itong anunsyo ng Meralco ay mistulang one-two-three punch sa ating mga kawawang consumer, na marami ngayon ay knock-out na sa mga utang, mahal na bilihin at kakulangan ng hanapbuhay dahil sa pandemya,” sabi ni Hontiveros.

Sinabi naman ng kompanya na pag-aaralan nito ang mungkahi ng senador. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.