Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Meralco itinanggi ang paratang ng MSK

0 242

Mariing pinabulaanan ng Meralco ang inilabas na pahayag ng Matuwid na Singil sa Kuryente (MSK) Consumer Alliance kamakailan.

Ayon sa Meralco, iresponsable at walang basehan ang alegasyon ng MSK, at hindi totoo na pinagsasamantalahan ng nila ang mga residential consumer.

Mariin ding itinanggi ng Meralco ang lumabas na balitang kumita ito ng P2.1 bilyon buwan buwan. Purong imbento at haka-haka lamang ayon sa Meralco ang alegasyon.

Sabi ng Meralco, may sinusundan sila na rate tier na aprubado ng gobyerno at hindi lahat ng kustomer ay sinisingil ng P2.987 kada kilowatt hour para sa distribution, supply, at metering charge.

Nilinaw ng Meralco na ang rate na ito ay naaangkop lamang sa mga kustomer na may konsumong 401 kWh pataas `di gaya ng gustong palabasin ni MSK David Celestra Tan na para sa lahat ng konsyumer.

“Ang mga alegasyon ng MSK ay malinaw na paninira lamang,” ayon kay Meralco Public Information Manager Joe Zaldarriaga.

Your email address will not be published.