Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Meralco itinanggi ang paratang ng MSK

0 171

Pananamantala sa konsyumer, walang basehan.

Mariing pinabulaanan ng Meralco ang inilabas na pahayag ng Matuwid na Singil sa Kuryente Consumer Alliance (MSK) kamakailan.

Ayon sa Meralco, iresponsable at walang basehan ang alegasyon ng MSK, at hindi totoo na pinagsasamantalahan ng Meralco ang mga residential consumers.

Mariin ding itinanggi ng Meralco ang lumabas na balitang kumita ito ng P2.1 bilyon buwan buwan.

Purong imbento at haka-haka lamang ayon sa Meralco ang alegasyon.

Ang rate ng Meralco ay may sinusundan na rate tiers na aprubado ng gobyerno at hindi lahat ng 0

customer ay sinisingil ng P2.987 kada kilowatthour para sa Distribution, Supply, at Metering Charge.

Nilinaw ng Meralco na ang rate na ito ay naaangkop lamang sa mga customer na may konsumong 401 kWh pataas di gaya ng gustong palabasin ni MSK David Celestra Tan na para sa lahat ng konsyumer.

Ayon kay Meralco Public Information Manager Joe Zaldarriaga, “Ang mga alegasyon ng MSK ay malinaw na paninira lamang.

Sa panahong ito ng pandemya, kung saan nagkalat ang mga maling impormasyon, dapat ay maging mas responsable ang MSK sa mga binibitawan nitong pahayag upang hindi makadagdag sa fake news at sa maling impormasyon.

“Pinapaaral namin sa mga abogado ang pagsasampa ng criminal at civil case laban kay Tan sa pagkakalat ng fake news ngayong panahon ng pandemya,”giit ni Zaldarriaga.

Kumpara raw sa mga nakaraang taon ay malaki na ang binaba ng presyo ng kuryente ngayong 2020.

“Umabot na ng higit sa piso kada kilowatthour ang ibinaba ng presyo ng kuryente ngayong taon. Kumpara sa singil noong Hunyo 2019, mas mababa ang singil ngayong Hunyo 2020. Ang presyo ng singil ngayong buwan na nasa P8.73 kada kilowatthour lang ay ang pinakamababang presyo ng singil sa kuryente mula Pebrero 2018,” dagdag ni Zaldarriaga.

Sinabi rin ni Zaldarriaga na kasinungalingan ang alegasyon ni Tan na mas mataas ang power purchase ng Meralco noong panahon ng lockdown kumpara noong nakaraang taon.

Ayon sa Meralco, malaki ang ibinaba ng overall rates nito ngayong 2020 kumpara noong 2019 dahil sa mga bagong PSA na ipinatupad ng Energy Regulatory Commission (ERC).

Wala raw katotohanan ang sinabi ni Tan na binawi ng Meralco ang mas mababang sales sa mas mataas na charge sa mga residential customer nito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.