Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Meralco kumita ng P2.1B kada buwan sa lockdown

0 295

Binabawi ng Manila Electric Company ni Manny V. Pangilinan sa mga residential consumer ang nawalang kita nito sa malalaking kompanya at planta na hindi nagbukas noong panahon ng lockdown o ng enhanced community quarantine.

Ayon sa Matuwid na Singil sa Kuryente Consumer Alliance, kasinungalingan ang sinasabi ng Meralco na mas malakas ang konsumo sa kuryente sa bansa sa mga buwan ng Disyembre, Enero, at Pebrero kumpara sa Marso, Abril, at Mayo.

Sabi ni David Celestra Tan ng MSK, mas malaki ang mga naging singilin ng Meralco mula December 2018 hanggang February 2019 kung ikukumpara sa March 2019 hanggang May 2019 noong wala pang mga lockdown at taliwas ito sa sinasabi ng Meralco na mas malaki ang demand sa kuryente sa summer kaysa sa malalamig na buwan ng Disyembre hanggang Pebrero.

Base sa datos mismo ng Meralco, napansin ni Tan na tumaas pa ang power purchases ng Meralco noong panahon ng lockdown kung ikukumpara sa parehong panahon nung 2019 gayong maraming mga planta at tanggapan naman ang nagsara.

“Since Meralco’s sales remained the same, it means most of the energy sales that used to go to these large commercial and industrial customers were instead consumed and sold by Meralco to the residential customers that they are now trying to bill, resulting to the increase in their bill by 200% to 400%,” sabi ni Tan.

Duda ang MSK na kukunin ng Meralco ang nawalang kita sa mga malalaking kompanya sa mga residential consumers kaya kinondisyon nito ang pag-iisip ng mga tao na mas marami ang konsumo sa kuryente pag Marso, Abril, at Mayo. Sa pananaw ng MSK, ito ang dahilan sa pagsirit ng billing sa mga residential customers nung panahon ng lockdown.

Ayon MSK, ang nawalang 706.5 milyong kWh na masisingil sa large industrial at commercial customers ay sisingilin nito sa residentail customers. Dahil mas mahal ang singil sa residential customers ng 30% o P2.987 per kWh, para nang jumackpot ang Meralco ng P2.1 bilyon buwan buwan.

Sabi ni Tan, nasa atin ng mga consumers kung palulusutin natin ang Meralco at hindi natin babantayan ang ating mga bill.(Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.