Abante Tonite Interactive

Meralco may 34 sentimo bawas-singil

289

Bababa ang singil ng Manila Electric Company para sa kuryente ngayong buwan ng 34.18 sentimos per kilowatt hour dahil sa mas mababang singil mula sa ­Power Supply Agreements nito.

Para sa mga pamilyang kumokonsumo ng 200kWh sa isang buwan, P68 ang mababawas sa kanilang bill nga­yong Enero.

Ayon sa Meralco, bumaba ang generation charge ng 41.84 sentimo per kilowatt hour ngayong Enero dahil bumaba ang singil ng Power Supply Agreements ng Meralco ng P1.2293 per kilowatt hour.

Umaabot sa 40% ng kuryenteng ginagamit ng Meralco ay galing sa PSAs. Bumaba din ang kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market ng 1.65 sentimos per kilowatt hour dahil bumaba ng 101 MW ang demand sa kuryente sa Luzon. Nagmahal naman ang singil ng mga independent power producers ng 8.47 sentimos per kilowatt hour dahil sa paghina ng piso laban sa dolyar.

Ayon sa Meralco, 92% ng singilin sa WESM ay dollar-denominated.

Nagmahal naman ang transmission charge sa residential customers ng 12.10 sentimos per kWh dahil sa mas mahal na singil ng Ancillary Services charges ng National Grid Corporation of the Philippines.

Bumaba naman ang buwis at ibang charges na binabayaran ng 4.44 sentimos per kilowatt hour.