Abante Tonite Interactive

Meralco may bawas singil ngayong Hulyo

0 125

Sa ikatlong sunod na buwan, magbababa uli ng singil sa kur­yente ang Manila Electric Company (Meralco) ng 10.68 sentimos per kilowatt hour nga­yong Hulyo.

Para sa mga taha­nang kumokonsumo ng 200kWh sa isang buwan, ang presyo ng kuryente ay bababa sa P9.9850 per kWh mula sa P10.0918 per kWh nu’ng Hunyo. Katumbas nito ang P21 na baba sa bill para sa mga taha­nang kumokonsumo ng 200 kWh, sabi ng Manila Electric Company kahapon.

Bahagyang umakyat ang generation charge sa P5.4227 per kWh ngayong Hulyo mula sa P5.4158 nu’ng Hunyo ngunit bumaba naman ang transmission charge ng 7.88 sentimos per kWh. Bumaba din ang singil para sa buwis at iba pang charges ng 3.49 sentimos per kWh.

Abante Hiring – IT dep

Ayon sa Meralco, nagmahal ang generation charge dahil nagmahal ang kuryente sa wholesale electricity spot market by P1.8794 per kWh nang muling nag-red alert at yellow alert.

Nagmahal din ang singil mula sa mga po­wer supply agreement ng 4.14 sentimos per kWh. Nagmura naman ang kuryente mula sa mga independent power producer ng 22.39 sentimos per kWh. Mahi­git kalahati ng kuryente ng Meralco ang galing sa PSA at 31.3% naman ang galing sa IPPs.

Sabi ng Meralco, ito ang pangatlong sunod-sunod na buwan na bumaba ang singil sa kuryente. (Eileen Mencias/Edwin Ba­lasa)