Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Meralco may dagdag-singil sa Abril

0 208

Matapos ang dalawang sunod na buwan na bawas-singil, inaasahan ng Meralco ang power rate hike sa Abril dahil sa pagtaas umano ng konsumo sa kuryente dulot ng mainit na panahon.

Paliwanag pa ni Meralco spokesperson at Vice President for Corporate Communications Joe Zaldarriaga, “Based on early, initial projections, there may be higher generation charge for the month of April 2021 due to observed increase in WESM (Wholesale Electricity Spot Market) prices.”

Kaya naman pinayuhan ng Meralco ang mga kostumer na planuhin na ang paggamit ng kuryente dahil maaaring tumaas ng 10% hanggang 40% ang residential electricity consumption dahil sa summer season.

Kadalasang inaanunsyo ng Meralco ang power rate adjustment kada ikalawang linggo ng buwan. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.