Abante Tonite Interactive

Meralco, Maynilad 1 linggong perwisyo sa Luzon

0 336

Isang malaking perwisyo ang mararanasan ngayon ng mamayan sa Luzon bunsod nang ipapatupad na isang linggong power interruption ang Manila Electric Company (Meralco) sa ilang lugar sa Metro Manila , Batangas, Bulacan, Cavite, Laguna, Quezon at Rizal province simula ngayong Lunes hanggang Hunyo 16, na sasabayan ng dalawang araw na water interruption ng Maynilad.

Nabatid sa Meralco na pan-samantalang mawawalan ng koryente dahil sa isasagawang maintenance work na gagawin sa mga nasabing lugar.

Sa ipinalabas na schedule ng power interruption sa Makati City (Palanan); at Manila (Malate), Hunyo 10, sa pagitan ng alas-dos at alas-tres nang mada-ling-araw at bandang alas-singko nang umaga.

Abante Hiring – IT dep

Bahagi ng Taft Ave. mula Meralco – Malate substation hanggang Pablo Ocampo Sr. St. (Vito Cruz) sa Malate, Maynila.

Gayundin sa bahagi ng Estrada St. mula Taft Ave. hanggang Lemery St. kasama ang Dian St. sa Malate, anila.

Bahagi ng Pablo Ocampo Sr. St. (Vito Cruz) mula Mercedes St. sa G. Del Pilar St. kasama ang Don Pedro, Taal, Alfonso, Conchu, A. Roxas, T. Ayala at Bautista Sts. sa Malate, Manila.

Bahagi ng Arellano Ave. mula Consuelo St. hanggang C. Ayala St. sa Malate, Manila.

Bahagi ng Alejo Aquino St. mula Florentino Torres St. (Dagonoy) hanggang Zobel Roxas Ave. sa Malate, Manila.

Bahagi ng Filmore St. mula Zobel Roxas Ave. hanggang Diesel St. kasama ang Boyle, Curie, Dian at Bautista Sts. sa Bgy. Palanan, Makati City.

Dahil ito sa preventive maintenance at testing works sa loob ng Meralco – Malate substation.

Apektado din ang San Antonio, Makati City na mawawalan ng kuryente ngayong umaga hanggang alas-tres nang hapon; Barangka, Drive sa Mandalu-yong sa Huwebes, sa pagitan ng alas-nuebe nang umaga at alas-tres nang hapon.

Mawawalan ng kuryente sa Hunyo 11 sa pagitan ng 11:30 nang gabi at alas-5:30 nang umaga sa Hunyo 12 ang bahagi ng Dapitan sa Maynila.

Sa Pandacan, Maynila sa Hunyo 16 sa a pagitan ng alas-otso at alas-8:30 nang umaga at sa pagitan ng alas-1:30 at alas-dos nang hapon.

Marikina City (Industrial Valley) sa Hunyo 13 sa pagitan ng alas-10 nang umaga hanggang alas-tres nang hapon. Sa Pasig City sa Hunyo 10-11 sa bahagi ng Blumentritt St. mula A. Mabini St. hanggang Industria St. kabilang ang Commercio St. sa Bgy. Kapasigan.

Apektado din ang Tuktukan sa Taguig City sa Hunyo 12-13 2019, sa pagitan ng alas -11:30 nang gabi (Miyerkoles, Hunyo 12) at alas-4:30 nang gabi (Huwebes, Hunyo 13)

Kasama ang bahagi ng Col. P. Cruz St. mula Gen. Luna St. hanggang at kasama ang T & D Village; A. Mabini St.; Gen. Ricardo G. Papa Sr. Memorial High School, Puregold – Taguig at Taguig City Hall Complex na ang dahilan ay ang line reconductoring works sa may Col. P. Cruz St. sa Brgy. Tuktukan, Taguig City.

Sa Valenzuela City, Hunyo 13-14 sa pagitan ng alas-11 nang gabi (Huwebes, Hunyo 13) at alas-singko nang umaga (Biyernes, Hunyo 14).

Mawawalan din ng kuryente ang Liliw, Nagcarlan, Pila, San Pablo City at Sta. Cruz sa Laguna sa Hunyo 11, 2019, sa pagitan ng ala-una at alas-dos nang madaling-araw at sa pagitan ng alas-siyete at alas-otso nang umaga. Gayundin sa Sta. Rosa City at Binan sa Hunyo 11, 2019

Samantala, sa Liliw, Nagcarlan, Pila at Sta. Cuz , Laguna uli sa Hunyo 13 at 14, 2019.

May power interruption din sa Candelaria, Quezon Province sa Hunyo 11, 2019 sa pagitan ng alas-10 nang umaga at ala-una nang hapon.

Rizal province saTanay sa Hunyo 13 sa pagitan ng alas-10 nang umaga hanggang alas-tres nang hapon

Apektado ang bahagi ng Marcos Highway (Marikina – Infanta Highway) from Sitio Kayumbay hanggang at kasama ang Sitio Balangkat, Sitio Masanting, Sitio Madilay-Dilay, Signal Village, Sitio Pulang Lupa, Liro Homes Subd., Sitio Mayagay, Sitio Cuyambay, Balikatan Village, Sitio Aguho, Kapatiran Village, Sitio Lalabasin, Sitio Hinadyungan, Purok II and Pagkakaisa Village; Camp Gen. Mateo Capinpin at Rizal State College Compound in Bgy. Sampaloc; at Brgy. Cuyambay Proper sa Brgy. Cuyambay.

Samantala, dalawang araw na mawawalan ng supply ng tubig ang Maynilad says water services sa ilang bahagi ng Quezon City, Caloocan, Malabon, Pasay, Navotas, Makati, Manila, Las Piñas at Parañaque, gayundin sa Bacoor, Imus, Noveleta, Rosario, Cavite City sa Cavite sa June 11 at 12. (Juliet de Loza –Cudia)