Abante Tonite Interactive

Meralco-MVP magtataas ng singil

203

Magtataas nga­yong buwan ang si­ngil sa kuryente nang 56.82 sentimo bawat kilowatt hour (kWh).

Para sa mga tahanang kumokonsumo ng 200 kWh sa isang buwan, P114 ang ikamamahal ng kanilang bayarin sa kuryente ngayong Peb­rero.

Ayon sa Manila Electric Company (Meralco) na minamay-ari ng negosyanteng si Manny V. Pangilinan, tataas sa P10.4067 per kWh ngayong Pebrero ang kuryente mula sa P9.8385 per kWh noong Enero.

Sabi ng Meralco, nagmahal ang gene­ration charge ng 98.2 sentimo per kWh at magi­ging P5.8939 per kWh na ngayong buwan mula sa P4.9119 per kWh noong Enero dahil nagmahal ang presyo ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) pati na ang si­ngil ng mga planta na kinukuha­nan ng kuryente sa ilalim ng power supply agreements (PSA).

Dagdag pa ng Meralco, aprubado ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang pagmahal ng tinatawag na capacity fee payments na naaayon sa PSA.

Nilinaw ng Meralco na hindi sa kanila mapupunta ang dagdag na singil dahil kinokolekta lang nila ito para sa IPP, PSA at sa National Grid Corp. of the Philippines (NGCP) na siyang binabayaran sa transmission charges.

Dagdag pa ng Meralco, 43 buwan na silang hindi nagtataas ng singil na nakikita sa bill bilang distribution, supply at metering char­ges. ­(Eileen Mencias)