Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Meralco-MVP may patong sa bill – Hontiveros

0 93

Nakakita ng kaunting liwanag si Senador Risa Hontiveros matapos ihayag ng Meralco na magpapatupad sila ng “case-to-case basis” policy sa pagputol ng kuryente ng kanilang mga kustomer na hindi makabayad ng bill.

“Nagtitiwala akong patuloy na magbibigay ng konsiderasyon ang Meralco, lalo na sa mga kababayan nating hirap makabayad ng kuryente,” sabi ni Hontiveros.

Bagama’t pinuri nito ang hakbang ng electric power distribution company ni Manuel V. Pangilinan, binigyang-diin ni Hontiveros na ang tunay na problema ay ang mataas na presyo ng kuryente sa bansa.

“Our rates are the second highest in Asia. Kahit na updated sa pagbabayad ang majority ng kanilang consumers, may mga nangutang at namaluktot sa kapos na kumot para makabayad at hindi maputulan ng kuryente,” sabi Hontiveros,

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon sa senador, dapat tugunan ng gobyerno, partikular ng Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC), ang pabigat ng surcharge na pinapasa sa mga consumer kaya’t lumalaki ang kanilang bayarin kada buwan.

“There must be a comprehensive review of these surcharges being shouldered by consumers,” sabi ni Hontiveros.

“One of these is the controversial 15% weighted average cost of capital (WACC) na binigay ng ERC para sa State Grid of China at mga local partner nito sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP). Halos doble ito sa 8% average global standard in terms of transmission rate,” paliwanag pa nito.

Naniniwala si Hontiveros na dapat hatiaan ng mga power supplier at ng NGCP ang mga consumer sa ikinakargang surcharge sa kanilang monthly bill dahil patuloy naman ang kita ng mga ito kahit na may pandemya. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.