Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Meralco-MVP pinakakastigo sa `bill shock’

0 274

Hinamon ng mga netizen ang liderato ni House Speaker Lord Allan Velasco na imbestigahan at kastiguhin ang Meralco sa `bill shock’ na nangyari habang lockdown sa bansa dahil sa COVID-19 pandemya.

Reaksyon ito ng mga consumer matapos ihayag ng utility firm ni Manuel V. Pangilinan na ipagpapaliban nito ang pagputol sa kuryente ng mga hindi pa nakakabayad.

Nabatid na sumulat si Velasco kay Meralco president Ray Espinosa noong Nobyembre 30 at hiniling na palawigin ang no-disconnection policy ng kompanya ngayong Kapaskuhan hanggang sa katapusan ng Enero 2021 para maibsan ang hirap ng mga kustomer nila na apektado pa rin ng pandemya.

Sabi ni Velasco sa Facebook post nito, sumagot si Espinosa noong Disyembre 14 at ipinabatid sa kanya na matapos ang “careful evaluation and in consideration” sa kanyang kahilingan ay nagpasya ang Meralco na palawigin ang no-disconnection polity nito para sa mga hindi pa nakabayad ng kanilang electricity bill mula Disyembre 31, 2020 hanggang Enero 31, 2020.

“Anong good gesture? E yung singil ng Meralco sa consumers e parang magpapatiwakal na ang tao sa taas. As in sobra! From 3k naging 16k 1 month tapos kailangan babayaran mom una saka daw iaadjust. Matutuwa ang mga tao kung magkakaroon ng ibang provider ng kuryente at makatarungan ang singil,” komento ni Angelica Aquino sa post ng Kamara.

“The issue of overcharging by Meralco is the problem, Mr. Speaker. You have to continue the hearings and rectify what’s causing it,” sabi ni Ben Mataac.

Tanong naman ni Romeo Balagat, “bakit nawala hearing ng Meralco. Ganun na lang bay un?”

Sabi pa ni Igop Adeza: “hindi naming need ang extension, speaker, ang need naming ay kastiguhin niyo Meralco sa bill shock na pinataw nila at magbigay ng tamang halaga sa talagang nakunsomo ng mga customer nila.”

Matatandaang binaha ng reklamo ang Energy Regulatory Commission (ERC) sa bill shock ng Meralco kaya’t pinagmulta ito. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.