Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Meralco-MVP soli bayad sa inakusahang kostumer

0 81

Inatasan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang Meralco, kompanya ng negosyanteng si Manny V. Pangilinan, na i-refund ang P27,528.29 na binayad ng isang kostumer na inakusahan ng kompanya na nandadaya sa kanyang metro.

Sa dinulog na reklamo ng kostumer na si Wilhelma Fuch sa ERC, sinabing pinadalhan umano siya ng Meralco ng demand letter at siningil ng P275,282.90 na differential billing at surcharge mula May 2005 hanggang July 2008. Nag-ugat ito sa bintang ng kompanya na nag-tamper siya ng kanyang metro sa kanilang bahay sa Quezon City.

Ayon sa dokumento ng ERC, napansin ni Fuch na biglang bumilis ang metro ng kuryente sa kanyang bahay noong April 2008 nang biglang naging P25,647.45 ang kanyang bill kaya naman pinuntahan ito ng Meralco at pinalitan ng digital ang metro ngunit pinagmulta ito ng kompanya ng P275,000. Nakiusap si Fuch na huwag siyang putulan ng kuryente at nagdeposito ito ng P27,528.29 o ang katumbas ng 10% ng pinipiga sa kanya ng Meralco.

Kinampihan ng ERC si Fuch dahil bigo ang kompanya na patunayang nandaya si Fuch ng metro dahil siya pa ang lumapit sa Meralco para suriin ang kanyang metro nang biglang lumaki ang kanyang bill.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sabi ng ERC, tungkulin ng Meralco na maayos ang kanilang mechanical device at equipment kasama na ang mga metro at trabaho nitong inspeksyunin ang mga ito para masigurong hindi ito papalpak at ayusin ang mga ito kung may sira.

At dahil hindi ginawa ng Meralco ang tungkulin nito, wala itong dahilan para pigain ang nawalang kita sa customer nito.

“Having been remiss in carrying out the duty of keeping its electric meter in serviceable condition, MERALCO ran the risk of forfeiting, by reason of their negligence, the amount allegedly due from complainant,” sabi ng ERC.

“Complainang Wilhelma P. Fuchs is not liable to pay the amount of Two Hundred Seventy Five Thousand Two Hundred Eighty Two pesos and Ninety Centavos (Php 275,282.90) and surcharge. Accordingly, the Respondent, Manila Electric Company, is hereby ordered to REFUND the amount of Twenty-Seven Thousand Five Hundred Twenty-Eight and Twenty-Nine Centavos,” dagdag ng ERC. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.