Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Meralco-MVP susuka ng P200M sa 2M konsyumer

0 524

Bukod sa P19 milyong multa na pinataw ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa Meralco, kinakailangan pa umanong magbigay kompanya ng diskwento na aabot sa P200 milyon sa nasa 2 milyong consumer nito.

Sa desisyon na inilabas ng ERC nitong Agosto 20, pinagmumulta ang Meralco dahil sa bill shock matapos na mag-estimate lamang sa ilang electricity bill dahil sa kabiguan na makapagbasa ng reading dahil sa lockdown.

Dagdag nito, inatasan din ng ERC ang Meralco, na pag-aari ng negosyanteng si Manny Pangilinan, na ibalik sa zero ang Distribution, Supply, and Metering (DSM) charge ng mga lifeline consumer o mga komukonsumo ng hindi hihigit sa 100kWh para sa isang buwan, epektibo sa susunod na billing cycle.

“The said retail rate discount will provide temporary economic relief to more than two million lifeline consumers and their family members at least for a month. The DSM comprised of 22.4% of the total retail rate. The total discount to be provided to all lifeline consumers is estimated to be around Two Hundred Million plus (PhP200M+). The cost of the discount shall not be charged to the non-lifeline consumers,” paliwanag pa ng ERC.

SM food to go Banner Ad

Nilinaw pa ng ERC ang magbebenepisyo sa P19 milyong multa sa Meralco. Ayon kay ERC Chairperson and CEO Agnes Devanadera, “Yung penalty, ₱19 million, pupunta ‘yan sa gobyerno… ‘Yun namang lifeliners na tinatawag o 100 kilowatt hour per month and below, ito naman ay bibigyan ng discount ng Meralco and I’m sure tatalima ang Meralco diyan.”

Kaugnay nito, bukod sa Meralco, pinagpapaliwanag din ng ERC ang ilang power distribution utilities kung bakit hindi sila maaaring patawan ng ‘penalty’ matapos na lumabag sa kanilang kautusan.

Ito ay makarang dagsain din ng mga reklamo ang ERC laban sa mga power distributors, bukod pa sa Manila Electric Co. (Meralco), kung saan ay nakitaan nila ng mga paglabag.

Ang mga pinagpapaliwanag na distribution utilities ay ang Olongapo Electricity Distribution Company (OECD); Misamis Oriental II Electric Cooperative, Inc. (MORESCO II); Camarines Sur II Electric Cooperative, Inc. (CASURECO II); Central Negros Electric Cooperative, Inc. (CENECO); Iloilo III Electric Cooperative, Inc. (IIoilo III); at Batangas II Electric Cooperative, Inc. (BATELEC II). (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.