Abante Tonite Interactive

Meralco-MVP walang konsiderasyon — Pokwang

Anak nalagay sa peligro

0 1,101

tonite-imo-vinia-vivarNaputulan ng kuryente si Pokwang kaya nanggagalaiti siya sa MERALCO last Thursday sa kanyang Twitter account.

“Hellleeerrr @meralco ang lupit nyo naman na late lang ng ilang araw dahil sa sobrang busy sa work di agad naasikaso ang bill na kayang kaya ko naman bayaran hello??? putol agad kung kelan nabayaran na after 1 hour???” walang pinag kaiba sa buwitre,” bahagi ng tweet niya.

 

Naka-tag ang twitter account ng MERALCO kaya naman rumesponde agad ito sa kanya at sinabihang i-send daw ang mga detail.

Sa malas ay nabalik naman agad ang power ng kuryente nina Pokwang pero lumikha na agad ng ingay sa Twitter world ang kanyang post at napakarami nang nag-react.

May umaayon sa kanya at mayroon din naman siyempreng nag-nega na sa kanya at na-bash-bash na siya.

May nag-tweet na may pambili raw siling­ labuyo si Pokwang pero walang pambayad ng MERALCO at sinagot naman ito ng komed­yana.

“Tanga ka kasi lahat kami busy sa bahay at may bata akong maliit na may sakit kailangan ng kuryente bobo ka! Wag kang epal kasi wala kang alam sa totoong ganap! di ko alam salitang KONSUDERASYON? (sic) Kuryentihin kaya kita ng gumana utak mo? di yung bash ka ng walang saysay!! Tanga!” sagot ni Pokwang.

May isang basher pa na burado na ngayon ang post na sinagot din ng komedyana.

“Hoy nobody taga meralco kaba? at nanggagalaiti ka? hindi ka nanay kaya wag kang epal! nag nenebulize ako sa anak ko na may sipon at kakabayad ko lang ng pinutol nila tanga ka? sana nagbabasa ka muna shunga!!!” ang galit na galit na sagot ni Pokwang.

Eh hindi naman kataka-takang mainit ang ulo ng komedyana dahil naputulan nga ng kuryente at may sakit pa ang anak.

***

Matapos manalo as Miss Asia Carolinas in 2012 sa Amerika, susu­bukan naman ni Monique Cuyugan Tuzon ang Miss World Philippines 2018. Kinatawan siya ng Quezon City. Isa siya 40 candidates who will vie for the title na gaganapin ang pageant night sa Oct. 7.

Humarap kahapon sa isang solo presscon si Monique at puring-puri ng entertainment press ang kanyang confidence at pagiging­ natural to think na ngayon lang niya na-meet ang showbiz press.

Parehong Filipino ang parents ni Monique at dito siya sa Pilipinas pinanganak. Tumira sila sa US when she was 11 (2004), at doon na siya nagtapos ng kanyang degree (B.A. in Communications – Mass Media). Last year ay bumalik na sila sa ‘Pinas at ngayon ay nagtatrabaho siya sa Solar Entertainment as producer and reporter.

Ayon kay Monique, hindi ang pagiging beauty queen talaga ang ultimate dream niya. Ang panga­rap daw niya talaga ay maging lifestyle reporter at bata pa raw siya ay may interest na siya in traveling and cooking.

May pagka-Gloria Diaz ang beauty ni Monique, pero may hawig din siya kay Ruffa Gu­tierrez at may pagka-Maricar Reyes din. She’s only 25 years old and stands 5’5”.

When asked kung ano sa tingin niya ang kanyang chances, aniya, siyempre ay gusto niyang manalo and will do everything at all cost to win the crown.

Pero kung hindi raw siya papalarin, masaya na raw siya na napili siyang maging candidate.

“Being a candidate already, I’m so happy kasi this is a new opportunity for me in terms of exposure. Win or not, this experience has been amazing. I feel like I’m a winner already.

When asked kung gusto rin niyang subukan ang showbiz win or lose sa Miss World, aniya, ay bakit hindi kung may oportunidad.

“I’m open to anything, honestly. If the opportunity is there, why not? And I’m a fast learner, too, so it’s okay. I’m very trainable, I’d like to think,” aniya.

Dahil nga one year pa lang siya dito, hindi pa raw siya pamilyar sa ibang artista but she knows some of our stars at favorite niya si Anne Curtis.

“I love her. I like the way she builds her empire, she has a make-up line, tapos she’s running marathon, tapos married to Erwan, she’s ac­ting, commercials, like the way she just juggles her life. . .not because she’s famous and beautiful but the way she just handles everything, like with grace, with poise, it’s very admirable,” she said.

Crush niya raw si James Reid kahit noong nasa Amerika siya. Nagsu-subscribe daw siya sa TFC at nagbabayad ng $20 para lang mapanood ang aktor sa On the Wings of Love.

“James, my $20 went to you, man,” natata­wang sabi ni Monique.